Pagpatag ng COVID-19 cases sa bansa, ikinalugod ni Pangulong Duterte

186

Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghupa o pag-flatten ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Sa kaniyang public address, sinabi ng Pangulo na nagtatagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa COVID-19, lalo na ang pagsusulong ng health protocol, gayundin ang pinaiiral na quarantine measures.

Pinapurihan din ng Pangulong Duterte ang mga hakbangin ng Local Government Units (LGUs) na malaki ang naitutulong ngayong pandemya.

Sa kabila nito, iginiit ng Pangulong Duterte sa publiko na hindi pa rin dapat magpapakampante at ituloy ang pagsunod sa health protocol.

Muling namang tiniyak ng Pangulo na kung may magagawa ng bakuna laban sa COVID-19, pagsisikapan ng pamahalaan na mabilis na makabili nito.

Binanggit din ni Pangulong Duterte na maaaring may bakuna na mula sa Amerika sa Setyembre at maaaring makasabay na ang gawa ng Tsina at Russia.

Facebook Comments