Pagpatay sa 52-anyos na ginang sa QC, iimbestigahan ng CHR

257

Magsasagawa ang Commission on Human Rights (CHR) ng motu propio investigation sa “cold blooded” na pagpatay sa 52-anyos na ginang na si Lilibeth Valdez sa Barangay Greater Fairview, Quezon City noong May 31.

Si Valdez ay pinatay na noon ay lasing na si Police Master Sergeant Hensie Zinampan at nakunan ito ng video at kumalat sa social media.


Ang suspek ay itinurn-over na sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sa Camp Karingal, Quezon City.

Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, nakakabahala ang insidenteng ito lalo na at tungkulin ng mga pulis na magsilbi at protektahan ang mamamayan.

Suportado nila ang paghahain ng kaso ng murder at administratibo laban sa suspek.

Panawagan ng CHR sa Philippine National Police (PNP) na ang pinaigting nilang internal cleansing ay magbunga ng mababang kaso ng human rights violations.



Facebook Comments