Pagpatay sa isang provincial health officer, pina-iimbestigahan ng DOJ sa NBI

26

Manila, Philippines – Inatasan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang National Bureau of Investigation na imbestigahan at magsagawa ng case build up hinggil sa pagpatay sa isang provincial health officer nuong Hulyo a-11.

Matatandaang pauwi na sana ang biktimang si Dr. George Repique Jr. kasama ang driver nito nang tambangan nang di pa nakikilang mga suspek.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Repique dahilan para agad syang bawian ng buhay.

Sa nasabi ding kautusan, pinagre-report ang NBI kay Aguirre upang malaman ang development sa kaso.

Una nang bumuo ng task force ang Cavite police para sa ikalulutas nang nasabing krimen.

Facebook Comments