Pagpatay sa isang tanod sa Pampanga, patunay ng kahalagahan na maipatupad ang Motorcycle Crime Prevention Act

Kinondena ni Committee on Justice Chirman Senator Richard Gordon ang brutal na pagpatay ng 2 suspek na magkaangkas sa motor sa barangay tanod Joseph Gregorio habang nagbabantay sa checkpoint sa Floridablanca, Pampanga.

Apela ni Gordon sa mga otoridad, tugisin ang mga suspek at papanagutin sa lalong madaling panahon para mabigyan ng hustisya ang biktima.

Dismayado si Gordon dahil nananatiling malakas ang loob ng mga riding-in-tandem sa paggawa ng krimen.


Giit ni Gordon, patunay ito ng kahalagahan na maipatupad na sa lalong madaling panahon ang Motorcycle Crime Prevention Act of 2019.

Tiwala si Gordon na mahahadlangan ng nabanggit na batas ang paggawa ng krimen gamit ang motorsiklo kung saan agad na nakakatakas ang mga salarin.

Facebook Comments