Pagpatay sa mga persons of interest sa Bulacan Massacre, pina-iimbestigahan na ni PNP Chief Dela Rosa

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang pagkakaroon ng malalim na imbestigasyon sa nangyaring ‘Bulacan Massacre’.

Ito’y matapos mapatay nitong sabado ang isa pang persons of interest na si Anthony Garcia, alyas “Tony,” na itinuturong may kaugnayan sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos.

Ayon kay Dela Rosa – inatasan na niya ang Bulacan police na siyasatin ang pagkamatay ni Garcia.


Unang napatay sa mga “persons of interest” ay si ROLANDO PACINOS, alyas “Inggo” at pangalawa ay si Rosevelth Sorima, alyas “Ponga”.

Sa ngayon, ang isang natitirang person of interest na si Alvin Mabesa ay pinaghahanap pa rin matapos dukutin ng grupo ng mga lalaki lulan ng van.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments