Pagpatay sa umanoy mga miyembro ng militanteng grupo iniimbestigahan na ng PNP

Nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon ng Philippine National Police sa pagkamatay ng umanoy mga miyembro ng Militanteng Grupong Karapatan at Bayan sa Sorsogon at Naga.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde partikular nilang iniimbestigahan ay kung totoong mga miyembro ng Karapatan at Bayan ang mga pinatay.

Naniniwala si Albayalde na kailangan munang matukoy kung totong mga lehitimong miyembro ng mga militanteng grupo ang mga nasawi.


Maari  aniyang akuin lang ng mga militanteng grupo,  na mga kasamahan nila ang mga namatay para makakuha ng simpatya kaya mahalagang maimbestigahan.

Samantala kinalampag naman ng mga militanteng grupo ang harap ng isa mga gate ng Camp Aguinaldo kaninang umaga.

Kinokondena ng mga ito ang pinakahuling pagpatay sa 2 human rights worker sa Sorsogon.

Facebook Comments