Pagpatigil ng Opensiba sa Marawi ikinatuwa ng mga bakwit

Iligan City – Ikinatuwa ng mga bakwit sa Iligan City Schoolof Fisheries sa barangay Buru-un matapos nagdeklara ang kasundalohan sapagpapatigil ng opensiba sa marawi city ngayong araw.
  Ayon kay Omayma Tomawis, na isang bakwit na isang magandangbalita para sa kanila ang pagpapatigil na ng opensiba sa kanilang lugar.
  Ito’y sapagkat nagpapakita umano ito ng indikasyon na taposna ang giyera sa kanilang lugar at makakabalik na sila sa kanilang mga tahananmatapos ang limang buwan na paninirahan sa evacuation center.
  Dagdag pa ni Tomawis na excited na silang makauwi at makitaang sitwasyon sa marawi city.
  Pinasasalamatan nila ang mga sundalong hindi nag-atubilingmagbuhis ng kanilang buhay para ma-protektahan ang kanilang lungsod na siyangnakipaglaban sa mga teroristang ISIS-Maute hanggang sa natapos at nagwagi silalaban sa kasamaan ng mga ito.
  Leksyon na umano sa kanila ang nangyaring kagulohan sakanilang lugar.(Ghiner L. Cabanday, RMN Iligan)
 

Facebook Comments