Pagpayag sa hatchback vehicles bilang TNVS, ikinatuwa ng Grab

25
Photo Courtesy: DOTr//Facebook page

Ikinalugod ng ride-hailing service company na Grab ang utos ng Department of Transportation (DOTr) na payagang mag-operate ang hatchback vehicles bilang Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ayon kay Grab Philippines President Brian Cu – nagpapasalamat sila sa direktiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade.


Ipinapakita nito ang kanyang kagandahang-loob at patas sa lahat ng involved parties.

Nakikipag-ugnayan ang Grab sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa DOTr para resolbahin ang isyu sa hatchback.

Ang hatchback ay ikinukunsiderang compact car at maliit kaysa sa mga sedan.

Facebook Comments

From Advertisers