Pagpili ng gobyerno sa Sinovac vaccines, pinanindigan ni Pangulong Duterte

59

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon ng gobyerno na piliin ang Sinovac vaccines at sumunod sa non-disclosure agreement sa presyo nito.

Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ni Pangulong Duterte na nakausap niya si Chinese President Xi Jinping para makiusap na bigyan ang Pilipinas ng supply ng kanilang bakuna.


Sumang-ayon naman aniya si President Xi sa kanya pero sinabi ng Chinese leader na kailangan munang mabakunahan ang bilyu-bilyon nitong mamamayan.

Matatandaang paulit-ulit na dinedepensahan ng Pangulo ang pagbili ng pamahalaan ng Sinovac vaccines, at sinabing ang bakuna ay kasing husay ng mga bakunang gawa ng mga Amerika at Europe.

Facebook Comments