PAGPILI NG NARARAPAT NA LIDER, IMINUNGKAHI NG COMELEC SA GITNA NG ISYU UKOL SA POSIBLENG VOTE-BUYING AT VOTE-SELLING NGAYONG HALALAN

Kasunod ng pag-uumpisa ng campaign period sa mga senatorial positions at partylists nitong Pebrero, na nakatakda namang sundan ng local positions sa darating na March 28 hanggang May 10, iginiit ng Commission on Elections o COMELEC ang pagpili sa mga nararapat na mga lider.

Ito ay sa gitna ng isyu ukol sa posibleng pag-usbong ng vote-buying at vote-selling ngayong election period.

Sa isang panayam kay COMELEC Dagupan Election Officer Atty. Michael Franks Sarmiento, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpili sa mga mauupong mamumuno sa pagsasaalang-alang ng magiging kalagayan ng bansa.

Aniya, dapat na pagtuunan ng pansin kung ano ang ilalatag at posibleng maisakatuparan na mga programa, at ang kandidato na talagang may puso sa serbisyo publiko, at hindi dapat ang pagdedepende sa kung ano o magkano ang pwedeng bigayan.

Nauna na ring inihayag ng COMELEC Pangasinan ang kinakailangang pagtalima ng mga aspirante sa lalawigan sa mga umiiral na elections laws, rules and regulation.

Samantala, kasado ang paghain ng warrantless arrest kung saan maaari nang arestuhin ang mga indibidwal na mahuling masasangkot sa vote-buying at vote-selling kahit pa wala nang ipakitang warrant of arrest ang awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments