Pagpili sa susunod na AFP Chief of Staff, isinasagawa na

53

Manila, Philippines – Namimili na ang board of generals ng Armed Forces of the Phil. nang ipapalit kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano.

Ito ay makaraang kumpirmahin mismo ni AFP public Affairs Office Marine Col. Edgard Arevalo na mapapaaga ang pagreretiro ni Gen. Año na nakatakda sa susunod na buwan dahil sa pagupo nito bilang kalihim ng Dept. of Interior and Local Govt. o DILG

Ayon kay Arevalo may nangyayari nang deliberation para sa pagpili sa bagong AFP Chief of Staff.

Ang pinagpipilian aniya ay kinabibilangan ng mga AFP service commanders bagamat nakapaloob sa patakaran ng AFP na lahat ng full Col. ay maaring maging AFP Chief of Staff.

Sa oras aniyang makagawa na nang shortlist ang AFP board of generals ay irerekomenda na nila ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.

At sa huli ang pangulo na ang magdedesisyon kung sino ang susunod na mamumuno sa AFP.
DZXL558, Rea Mamogay

Facebook Comments