Pagpreserba sa karapatan, kalayaan, at kabayanihan ng mga ninuno ng bansa, mensahe ni PBBM ngayong Araw ng Kalayaan

Sa pagdiriwang ng ika-127 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas, ipinaabot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang mensahe ngayong ika-127 anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kabayanihan ng mga ninuno ng bansa kasabay ng panawagan na pagkakaisa at pagpupunyagi tungo sa kaunlaran, ngayong ika-127 Anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas.

Sa kanyang opisyal na mensahe, binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga bayani na nag-alay ng buhay para sa kasarinlan ng bansa noong 1898 sa Kawit, Cavite.

Ang kalayaan aniyang tinatamasa ng mga Pilipino ngayon ay bunga ng sakripisyo at kabayanihan ng mga naunang henerasyon.

Ayon sa Pangulo, dapat ipagpatuloy ng bagong henerasyon ang taglay na tapang na ipinamalas ng ating mga ninuno habang ipinagtatanggol ang bayan laban sa mga nagnanais na pahinain ang lakas ng sambayanan.

Hinimok din ng Pangulo ang mga Pilipino na gamitin ang kakayahan at karakter para sa kabutihan ng bayan, at magtulungan para sa progreso, katatagan at kaunlaran, hindi lamang sa kasalukuyan kundi para sa mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments