
Tiniyak ni House Secretary General Reginald Velasco na anumang araw ngayong linggo ay maipo-proseso na ang tatlong reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Velasco, gagawin nila ito bago mag-adjourn ang session ng Kongreso kahit hindi pa naihahain ang planong ika-apat na impeachment complaint laban kay VP Sara.
Paliwanag ni Velasco, kaya natagalan ang pag-usad ng impeachment complaint ay dahil hinintay nila ang ika-apat na impeachment complaint o posibleng mga dagdag na Kongresistang mag-i-endorso.
Pero diin ni Velasco, sapat na ang panahon na ibinigay sa kanila kaya kung wala na talaga ay isusumite na niya ang tatlong impeachment complaint sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Kung agad itong makakukuha ng suporta ng 1/3 ng mga Kongresista ay maaari na itong idiretso sa Senado sa halip na idaan pa sa House Committee on Justice.