Pagprotekta sa mga cronies at opisyal ng administrasyon, dapat itigil na rin ni Pangulong Duterte

Ikinatuwa ni Senator Risa Hontiveros na natuldukan na ang pagbibigay proteksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Kasunod ito ng banta ni Pangulong Duterte na ipapakulong dahil sa kasong tax evasion ang mga opisyal ng Pharmally kung hindi sila magbabayad ng tamang buwis.

Umaasa si Hontiveros na ang susunod na hakbang ng Pangulong Duterte ay ang pagtigil naman sa pagbibigay proteksyon sa mga opisyal at cronies ng administrasyon na may kaugnayan o nakinabang sa mga iregular na transaksyon ng Pharmally.


Giit ni Hontiveros, hindi lalakas ang loob ng mga taga-Pharmally kung walang kasabwat sa kusina.

Facebook Comments