PAGPUKSA SAKALAKALAN NG ILIGAL NA DROGA, PALALAKASIN PA NG PDEA AT PNP BUNSOD NGPAGKAKAKUMPISKA SA HALOS PITONG BILYONG PISONG HALAGA NG SHABU SA LABRADOR,PANGASINAN

Palalakasin pa umano ng hanay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) ang pagpuksa sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa matapos na masabat ang halos pitong bilyong pisong halaga ng shabu sa Labrador, Pangasinan.

Ayon kay PDEA Director General Isagani Nerez, malaking bahagi ang pagkakasabat sa napakalaking halaga ng shabu na ito dahil nailigtas din ang buhay ng maraming indibidwal na posibleng gumamit nito.

Iginiit nito ang malaking epekto ng iligal na droga sa mga kabataan lalo at sila ang madalas na nabibiktima ng adiksyon o pagkalulong sa ilegal na droga.

Binigyang linaw rin nito na wala pang natutukoy na shabu laboratory sa Pangasinan habang patuloy ang kanilang imbestigasyon kung saan nagmula ang mga nakumpiskang bilyong halaga ng shabu sa lalawigan.

Samantala, iginiit rin ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na hindi titigil ang hanay ng pulisya na mapuksa ang lahat ng sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa at magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PDEA at iba pang mga ahensya para mapuksa ang mga kabilang sa drug syndicate. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments