Binatikos ni House Assistant Majority Leader at Lanao Del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang pagpuna ni Vice President Sara Duterte sa pagbebenta ng gobyerno ng ₱20 kada kilo ng bigas sa Visayas.

Giit ni Adiong, ang dapat gawin ng isang lider na may malasakit sa bayan ay sumuporta sa mga hakbang para mapagaan ang buhay ng mamamayan at hindi ang manira sa pagsisikap ng iba.

Ipinaalala din ni Adiong na noong panahon ng panunungkulan ng ama ni VP Sara na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay umabot ng ₱70 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa ilang lugar.

Dagdag pa ni Adiong, nagbebenta rin umano noon ang gobyerno ng imported na bigas na may bukbok sa mga pamilihan.

Facebook Comments