Pagrepaso sa hakbang ng pamahalaan kontra iligal na droga, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa PNP at DOJ

59

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte anG Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) na repasuhin at muling pag-aralan ang mga hakbang ng pamahalaan sa kampanya kontra iligal na droga.

Sa kaniyang talumpati sa 76th session ng high level general debate ng United Nations General Assembly, sinabi ng pangulo na ang sinumang mapapatunayang nagmalabis sa kapangyarihan ay pananagutin sa batas ng bansa.


Nananatili kasing may obligasyon ang gobyerno sa mga mamamayan nito na pangalagaan ang kanilang kaligtasan ang seguridad.

Samantala, paliwanag pa ni Pangulong Duterte na naisapinal na ang joint programs kasama ang United Nations para sa isyu sa karapatang-pantao.

Facebook Comments