Pagrepaso sa panuntunan sa paglabas ng mga bata, suportado ng DOH

Suportado ni Health Spokesperson Usec. Ma. Rosario Vergeire ang pag-review sa patakaran sa paglabas ng bahay ng mga edad 5 pataas.

Ito ay dahil na rin sa usapin ng pagkakaroon na ng local cases na mas nakahahawa na Delta variant.

Gayunman, nilinaw ni Vergeire na may safeguards na pinagbatayan ang Inter-Agency Task Force (IATF) bago inilabas ang desisyon nito.


Kailangan lamang aniyang sumunod sa mga health protocol ng mga tao para makaiwas na mahawa sa COVID-19 ang lahat kabilang na ang mga bata.

Facebook Comments