Pagrescue sa chief engineer sa lalawigan ng Basilan, isang malaking regalo para sa asawa na nag diriwang ng kaarawan ngayong araw

80

Manila, Philippines – Isang  malaking regalo  para  sa  pamilya   Tiro  sa  Cebu City  ang  pag-rescue  ng  militar  sa chief engineer  ng tugboat shuttle  roro 9  Laurencio Tiro, kagabi  sa  sitio  Sasa  Barangay Basakan  Mohammad  Adjul  sa lalawigan  ng  Basilan.

 

Ayon sa  komandante  ng Western Mindanao Command  Major  Carlito Galvez  Jr., ang pagrescue  kay  Tiro  dahil  na  rin  sa  tulong  ng local  leaders  ng  nasabing lugar,  dahil  nakikipagtulungan  ang mga ito sa  mga  sundalo upang  malocate  ang  rebeldeng  Abu Sayyaf na  may hawak sa  kanilang bihag.

 

Matatandaan  si Tiro ay dinukot  ng ASG  sa Sibago Island  sa  Basilan noong Huwebes  ng tanghali, kasama ang  kapitan  ng  tugboat  na  si  Aurelio Agaca  na  ni-rescue  rin  noong Sabado  ng  madaling araw.

 

Ngayong  araw  ay  kaarawan  ng  asawa  ni Tiro kung kayat isang malaking  regalo  ang pagrescue  sa  kanya  ng militar.

 

Nasa  mabuting kalagayan  naman umano  si Tiro ayon kay  Galvez, at  sa ngayon  nasa   kustodiya  ito  ng militar  sa  Wesmincom,  at  inaasahan uuwi  ito  ngayong  araw  sa  Cebu City  upang makasama ang kanyang pamilya.


Facebook Comments