Pagsabog sa Indanan, Sulu walang patunay na kagagawan ng ISIS

Walang patunay na may kinalaman sa teroristang ISIS ang kambal na pagsabog sa Indanan, Sulu noong June 28.

Pagtitiyak ito ng PNP at AFP makaraang makumpirma na ang Pilipinong si Norman Lasuca nga ang suicide bomber sa insidente.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Bernard Banac – locally initiated lang ang nasabing pag-atake na posibleng kagagawan ng Abu Sayyaf Group (ASG).


Kinumpirma naman ng Armed Forces of the Philippines o AFP na ito ang kauna-unahang suicide bombing sa bansa na kinasasangkutan ng isang Pilipino.

Pero ayon kay AFP Spokesperson Colonel Edgard Arevalo – walang dapat ikabahala ang publiko dahil isolated case lamang ito.

Patuloy ding inaalam ng otoridad kung konektado ang mga pagsabog sa Jolo Cathedral at Indanan, Sulu.

Base kasi sa kanilang initial assessment, nakitaan ng indikasyon na kagagawan ng ASG ang parehong insidente.

Facebook Comments