Pagsabog sa Jolo, Sulu, hindi direktang banta sa Eastern Mindanao – EastMinCom

74

Nakikita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Eastern Mindanao Command (EastMinCom) na ang kambal na pagsabog na nangyari sa Jolo, Sulu ay hindi direktang banta sa Eastern Mindanao.

Ayon kay EastMinCom Spokesperson Major Alex Mindalano, nananatiling naka-alerto ang kanilang ground units kasunod ng mga pagsabog.


Inatasan na ni EastMinCom Commander Lieutenant General Jose Faustino Jr. ang mga commander ng line units na paigtingin ang security operations para maiwasan ang spillover ng insidente sa iba’t ibang lugar sa Eastern Mindanao.

Hinikayat ng EastMinCom ang publiko na agad isumbong ang sinumang indibidwal o aktibidad na kahina-hinala.

Facebook Comments