Pagsabog sa McDonalds sa Maynila, dahil sa gas leak- BFP

Nabasag ang mga salamin sa gusali ng McDonalds sa P. Campa sa Sampaloc, Maynila matapos ang pagsabog kanina.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), gas leak ang dahilan ng pagsabog kung saan nagtamo ng minor burns sa magkabilang braso ang Assistant Manager nito na si Lloyd Almario.

Agad namang nilagyan ng security line ang lugar upang hindi makapinsala ang mga nagkalat ng basag na salamin.


Ayon sa BFP, ang naturang establishment ay matagal nang sarado.

Agad din na nagpadala ng Explosives and Ordnance Team ang Manila Police District sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga residente doon.

Facebook Comments