Pagsalpok ng Chinese vessel sa F/B Gem-Ver 1, isang “plain” at “simple” maritime incident

98

Itinuturing ni Agriculture Secretary Manny Piñol na “plain” at “simple” maritime incident lang ang pagbangga ng Chinese vessel sa F/B Gem-Ver 1 sa Recto Bank sa West Philippine Sea.

Ayon kay Piñol – kailangan ng masusing imbestigasyon para malaman kung ang bangkang pangisda ng 22 Pilipino ay sinadyang banggain ng Chinese ship.


Iginiit ni Piñol na nauunawaan niya ang sentimiyento ng mga apektadong mangingisda.

Tiniyak ng kalihim na walang dapat ikabahala ang mga mangingisda na pumalaot muli sa Recto Bank lalo at accessible naman ito sa local at foreign vessels.

Facebook Comments

From Advertisers