Pagsasaayos ng bumagsak na tulay sa Isabela, pinamamadali na ni PBBM

Pinamamadali na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni ng bumagsak na tulay sa Cabagan, Isabela.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na sinimulan na nila ang proseso para makumpuni ang mga bahagi ng tulay na nagkaroon ng problema.

Pinag-aaralan na rin aniya nila ngayon ang kabuuang structural integrity ng tulay para makita kung anong approach ang gagawin sa pagkukumpuni at maibalik ang maayos nitong kondisyon.

Samantala, sinabi naman ni Bonoan na tapos na ang technical investigation sa nangyaring pagbagsak ng tulay.

Kinakausap na rin ng ahensya ang mga taong kasama sa mga nagtayo ng tulay para malaman ang iba pang detalye ng pagpapatayo rito.

Facebook Comments