
Nakalatag na ang mga proyektong tututukan mg Philippine National Railway (PNR) para sa taong 2025.
Ito’y para mapagaan pa ang pag-biyahe ng mga commuter ng tren.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PNR General Manager Deovanni Miranda na partikular na dito ang migration ng mga tren na dating ginagamit mula Maynila patungong Laguna.
Sa pamamagitan nito ay madadagdagan ang mga tren na nago-operate sa Southern Luzon.
Samantala, nagpapatuloy na ang pagsasaayos ng tulay sa Quezon, at ang rehabilitasyon ng mga riles.
Kabilang dito ang mga naapektuhan ng nagdaang Bagyong Kristine at pagguho ng lupa.
Layon nitong matiyak na tuloy tuloy ang railway line mula Bicol hanggang Laguna kasabay ng pagtitiyak na road-worthy ang mga tren at riles na ito.
Facebook Comments