Pagsasagawa ng drive-thru vaccinations para sa delivery service workers, pinaboran ng NTF against COVID-19

19

Pabor ang National Task Force Against COVID-19 sa mungkahing magsagawa ng drive-thru vaccinations para sa delivery service workers.

Sa interview ng RMN Manila kay NTF Against COVID-19 Spokesperson Ret. Major Gen. Restituto Padilla, posible ito lalo na’t target ng pamahalaan na mapabilis ang vaccination program.


Ayon kay Padilla, sa ngayon ay plano ng task force na patuloy na magdagdag ng vaccination centers at humingi ng tulong sa mga pribadong sektor para maisakatuparan ang drive thru vaccinations.

Sa pamamagitan aniya nito ay madali nating maaabot ang herd immunity bago matapos ang taon.

Facebook Comments