Pagsasagawa ng face-to-face classes sa Dagupan City, sinuspinde hanggang October 4

Suspendido hanggang sa October 4, 2021 ang face-to-face classes sa Dagupan City dahil sa banta ng COVID-19.

Sa inilabas na executive order ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim, hindi matutuloy ang nakatakdang pagbubukas ng klase sa lalawigan na magsisimula sana ngayong araw, September 13.

Magtutuluy-tuloy naman ang klase sa pamamagitan ng distance learning at online classes.


Sa ngayon, batay sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), umabot na sa 3,677 ang kabuuang kaso sa Dagupan kung saan 535 ang aktibong kaso.

Facebook Comments