Pagsasagawa ng forensic examination sa kotse, damit ni Richard Santillan, hiniling

329

Manila, Philippines – Nais ng maybahay ni Richard Santillan, ang pinatay na bodyguard ni dating Congressman Glenn Chong na kunin ng NBI ang kustodiya sa mga mahahalagang kagamitan ng kanyang mister nang ito ay mapaslang.

Kabilang sa hiniling ni ginang Jeanette Santillan sa DOJ ang pag-atas sa NBI na kunin ang kustodiya ng sasakyan, mga damit, at cellphone ni Richard nang ito ay paslangin.


Nais din ni Mrs. Santillan na isailalim ng NBI sa forensic examination ang sasakyan, damit at cellphone unit ni Richard.

Hiniling din ni ginang Santillan kay Justice Secretary Menardo Guevarra na atasan ang NBI na i-subpoena ang dashboard camera ng sasakyan ni Richard.

Ang pagdulog ni Mrs. Santillan sa DOJ ay kasunod ng pagmamatigas ng PNP na i-release ang naturang mga kagamitan ni Richard Santillan.

Una nang lumabas sa forensic examination ng Public Attorney’s Office (PAO) na sapilitang pinababa ng kanyang sasakyan si Richard at ito ay tinorture bago pinatay at saka inayos ang sinasabing encounter site.

Facebook Comments

From Advertisers