Pagsasagawa ng nursing licensure exam sa Hunyo, inihihirit ng IATF

43

Humiling ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magsagawa ng nursing licensure examination sa Hunyo para madagdagan ang health workforce sa harap ng laban sa pandemya.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasalukuyan silang nakikipag-coordinate sa Philippine Nurses Association (PNA) at Professional Regulations Commission (PRC) hinggil dito.


Kapag naisagawa ang licensure exam sa Hunyo, inasaahang makakasali ang mga fresh graduates sa COVID-19 response sa Hulyo.

Facebook Comments