Pagsasagawa ng online training ng mga atleta, ipinanawagang pahintulutan ng Philippine Olympic Committee

24

Humingi na ng pahintulot ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Philippine Olympic Committee (POC) para maipagpatuloy ang mga online training ng mga atleta ng bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PSC Officer-in-Charge Ramon Fernandez, naipaliwanag na nila sa POC ang hakbangin ng PSC para sa nasabing virtual training bilang paghahanda sa Tokyo Olympics.


Ilan sa mga atletang nakakuha na ng slot sa Tokyo Olympics ay sina Gymnast Carlos Yulo, Pole-Vaulter OJ Obiena, at mga boksingerong sina Eumir Marcial at Irish Magno.

Maliban sa kanila, nag-eensayo na rin si Weightlifter Hidilyn Diaz na nasa Malaysia ngayon para makakuha ng slot sa nasabing palaro.

Facebook Comments