GOOD NEWS: PAGSASAGAWA NG TODA-PODA DAY PARA SA MGA DRAYBER AT OPERATOR SA MANGALDAN, PLANTSADO NA!

Planado na at positibong maisasagawa ng maayos ang TODA-PODA Day para sa pedicab at tricycle driver, sa pagdiriwang ng Mangaldan town fiesta at pindang festival sa darating na ika-6 ng Marso 2023.
Inaasahang nasa higit isang libong TODA-PODA members ang dadalo sa nasabing araw na may layunin na bigyang kasiyahan ang mga kabaleyang drayber at mga operator.
Magkakaroon din ng “Talent Mo, Show Mo!” kung saan magpapakitang gilas ang mga pedicab at tricycle drivers sa Mangaldan!

Samatalala, ang nasabing aktibidad ay handog sa TODA-PODA members sa Bayan ng Mangaldan sa pagiging disiplinado at tapat sa lahat ng panahon sa mga daily commuters. |ifmnews
Facebook Comments