PAGSASAILALIM NG PITONG BAYAN SA ILALIM NG ‘ORANGE CATEGORY’ NG ELECTION WATCHLIST AY ISANG PREVENTIVE MEASURE AYON SA COMELEC

Ipinaliwanag ni COMELEC Pangasinan Provincial Supervisor Atty. Ericson Oganiza na wala itong nakikitang problema sa pitong bayan na isinailalim sa orange category ng election watchlist.
Ang mga bayan na nasa orange category ay Urbiztondo, Sto.Tomas, Sual, Bolinao, Calasiao, Rosales at Sison.
Aniya, karamihan sa mga bayan na ito ay idineklara sa naturang kategorya hindi dahil sa may kaguluhan kundi bilang paghahanda ng PNP.
Dagdag ni Oganiza, isa itong preventive measures kung sakali mang magkaroon ng gulo sa mga nabanggit na bayan.
Samantala, nanawagan naman ito sa mga complainant ng vote buying na panindigan ang ififile na kaso laban sa mga kandidato dahil marami umanong fina -file ang ahensya ngunit nadidismiss lamang pagdating sa korte sapagkat wala umanong testigo ang nagpapakita sa hearing. | ifmnews
Facebook Comments