
Iginiit ni Senator Rodante Marcoleta na hindi dapat nagsalita si Senator Erwin Tulfo laban sa mga kasamahang senador.
Ito ang reaksyon ni Marcoleta nang sabihin ni Sen. Erwin na para ba sa dalawang mambabatas na posibleng makulong sa loob ng dalawang linggo kaya minamadali ang mosyon para payagan ang isang senador na makadalo sa sesyon sa pamamagitan ng videoconferencing.
Giit ni Marcoleta, kung talagang nagmamalasakit si Sen. Erwin sa mga kapwa senador at bilang magkakasama sa isang institusyon, hindi niya dapat sinabi ang bagay na iyon.
Sinabi rin ng senador na kaya ba iniisip ni Tulfo na ang mosyon ay para sa mga senador na inaasahang makukulong ay dahil gusto nitong hindi madaliin ang mosyon at tuluyang mabilanggo ang mga kasamahan.
Nilinaw ni Marcoleta na hindi tungkol sa mga kapwa senador na posibleng makulong ang mosyon kundi ito ay pag-take advantage sa paggamit ng makabagong teknolohiya tulad na rin ng ginagawa ngayon ng Comelec.
Nanghihinayang si Marcoleta na hindi nakapagdebate noong Martes ng gabi dahil isa sa paguusapan ay ang pagpayag sa videoconferencing ng isang senador pero ito ay dapat may kaakibat na makatwirang kondisyon.










