Pagsasampa ng NBI ng kaso ngayong araw laban sa KAPA,ipinagpaliban

Hindi maihahabol ng NBI ngayong araw ang pagsasampa ng kaso laban sa KAPA investment group

Sinabi ni NBI-NCR Director Atty. Cesar Bacani, marami pa silang inihahandang mga dokumento  kasama na ang mga  transmittal letter, at pagpapa-xerox ng mga attachment ng isusumiteng ebidensya.

Kaugnay nito, nakikipag-ugnayan na rin ang NBI sa Securities and Exchange Commission upang maplantsa kung sila na ang magsasampa ng kasong paglabag sa  Securities and Regulation Code laban sa mga nasa likod ng sinasabing investment scam.


Nais din malaman ng NBI sa SEC kung sadyang may probisyon sa nasabing reklamo na ito lang ang maaaring maghain ng reklamo o pwede rin ang iba pang law enforcement agencies tulad ng NBI.

Facebook Comments