Pagsasanay ng national athletes, patuloy pa rin

25

Nagpapatuloy pa rin ang ensayo at pagsasanay ng national athletes sa bansa kasabay ng umiiral na community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, sa pamamagitan ng digital training, ipinagpapatuloy pa rin ng mga atleta ang pagpapalakas sa kundisyon ng kanilang katawan.


Patuloy din aniyang sinusuportahan ng National Association Commission (NSA) ang mga ito para mapanatili silang ligtas sa virus.

Nabatid na una nang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang ilang contact sports sa bansa tulad ng Golf, Tennis, Badminton, Swimming, Equestrian at Skateboarding, basta susunod sa health protocols na kanilang ipinatupad.

Facebook Comments