PAGSASANAY SA HIGIT ISANG LIBONG TECHNICAL STAFF NA MAGSISILBI SA HALALAN SA PANGASINAN, NAGSIMULA NA

Umarangkada na ang anim na araw na training mga magsisilbing Technical Support Staff sa lalawigan ng Pangasinan para sa darating halalan sa 12 ng Mayo.

Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan, aabot sa higit isang libong indibidwal ang nagsasanay ngayon kung saan binubuo ang mga ito ng mga guro sa lalawigan, upang mapag-aralan ang mga features ng mga bagong Automated Counting Machine (ACM) na gagamitin sa halalan.

Dagdag pa riyan ang kanilang pangunahing tungkulin ukol sa proseso ng pagboto gayundin ang troubleshooting ng mga ACMs.

Ayon naman kay COMELEC Pangasinan Election Supervisor Atty. Eric Oganiza, mahalaga umano ang isinasagawang training ng mga ito dahil sila ang kanilang magiging kaagapay sa teknikal na aspeto ng halalan katuwang ang Electoral Board.

Samantala, pagkatapos ng naturang pagsasanay, susunod na sasabak din ang mga magsisilbing electoral board. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments