Pagsasapinal sa cashless payment sa mga pampublikong sasakyan, target ngayong taon ayon sa DOTr

Isasapinal na ng Department of Transportation (DOTr) ang cashless payments o ang Automated Fare Collections System (AFCS) sa lahat ng pampublikong sasakyan ngayong taon.

Ayon sa DOTr, layon nitong paunlarin ang kasalukuyang sistema ng transportasyon sa bansa.

Una nang nagsagawa ng pilot testing ang DOTr sa tatlong Public Utility Vehicle (PUV) noong Disyembre ng nakaraang taon.


Facebook Comments