Pagsasara ng mga comedy bar, ikinalungkot ni Vice Ganda

150

Ikinalungkot ng comedian-TV host na si Vice Ganda ang pagsasara sa mga comedy bar kabilang na ang Klownz, Zirkoh, Punchline at Laffline dahil maraming mga empleyado ang nawalan ng trabaho sa gitna ng krisis sa COVID-19.

Ayon kay Vice, malaking bagay para sa kanilang mga komedyante ang makapagpasaya ng libu-libong mga tao at doon din nila nahahasa ang kanilang galing pagdating sa pagpapatawa.


Aniya, sa ngayon ay rumaraket at nagbibigay na lang ng saya online ang mga komedyanteng nawalan ng trabaho kung saan ang kinikita nila dito ay hinahati-hati nila at ibinibigay sa mga staff na nawalan ng trabaho kabilang na ang mga valet, cook at waiter.

Facebook Comments