Pagsasara ng Palengke dahil sa banta ng COVID-19, Walang katotohanan- Bernard Dy

1201

*Cauayan City, Isabela*- Pinawi ni City Mayor Bernard Dy ang pangamba ng publiko matapos kumalat ang impormasyon na di umano’y isasara ang Pamilihang Lungsod ng Cauayan sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Ayon kay Mayor Dy, walang katotohanan ang kumakalat na impormasyon dahil isinasaalang-alang din aniya ang kapakanan ng mga mamimili sa lungsod gayundin ang kalapit na bayan.


Dagdag pa ng alkalde na hindi ngayon ang panahon para magpakalat ng maling impormasyon dahilan para magpanic ang publiko.

Sa kabila ng banta ng COVID-19 sa publiko ay marami pa rin ang lumalabag sa pagpapatupad nito gaya na lamang ng curfew hour at pagbabawal sa pag-inom ng nakalalasing na inumin.

Sa ngayon ay natapos na ang pagsasailalim sa 14 days quarantine ng alkalde at walang kahit anumang sintomas ang naramdaman nito matapos ngang makasalamuha ang dalawang senador at magpositibo sa COVID-19 si Sen. Migz Zubiri.

Facebook Comments