Pagsasauli ng Sinopharm COVID-19 vaccines sa China, responsibilidad ng Presidential Security Group – DOH

48

Responsibilidad ng Presidential Security Group ang pagbabalik ng Sinopharm COVID-19 vaccines na donasyon mula sa China.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat ang PSG ang mag-ayos sa pagbabalik ng mga bakuna matapos na ipag-utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Matatandaang isang araw matapos na maturukan ng COVID-19 vaccine ng sinopharm ang Pangulo ay ipinababalik nito ang nasa higit 1,000 doses ng naturang bakuna sa China.

Una nang nilinaw ng Food and Drug Administration na sakop ng compassionate special permit ang pagpapaturok ng Sinopharm COVID-19 vaccine kay Pangulong Duterte.

Facebook Comments