Pagsibak kay Sec. Duque, muling iginiit ni Sen. Pangilinan

158

Sa kanyang Twitter post ay muling iginiit ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pagsibak kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa harap ng pabago-bagong istilo ng pagre-report sa publiko ukol sa COVID-19.


Dismayado si Pangilinan na sa halip na mga pasyente ang gamutin ay ang mga datos at resulta ng COVID-19 tests ang umano’y dinodoktor ng DOH.

Hindi kapani-paniwala para kay Pangilinan ang inialabas na impormasyon ng DOH na sa isang iglap o sa isang araw ay libu-libo na agad ang gumaling.

Punto ni Pangilinan, ang pagturing sa mga hindi na-test, asymptomatic o may mild symptoms bilang recovered o magaling na ay daan para mas marami ang mahawaan ng mga ito.

Malinaw para kay Pangilinan na may ginagawang magic ang DOH na lubhang delikado dahil nagbibigay ito sa publiko ng huwad na seguridad laban sa COVID-19.

Facebook Comments