Pagsibak sa buong Drug Enforcement Unit ng MPD police station 1, mariing itinanggi ni NCRPO Chief Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na sinibak na ang buong Drug Enforcement Unit ng police station 1 ng MPD.

Ayon kay Albayalde, aantayin nila ang kalalabasan ng imbestigasyon ng IAS bag magdesisyon sa magiging kapalaran ng Drug Enforcement Unit.

Pansamantala lamang aniya na hindi makaaakto si PSupt. Robert Domingo bilang police station 1 head.


Hindi nagagampanan ng kaniyang tungkulin si Domingo tulad ng pag-uutos sa kaniyang mga tauhan.

Si PSupt. Alberto Barrot muna ang itatalaga habang hindi pa mapunan ang puwesto.

Sa sandaling maisailalim sa inquest ang labindalawang drug suspects ay ililipat muna sila sa MPD District Jail.

Matapos mag-inspeksyon sa police station 1 ay dumiretso si Albayalde sa mga lugar na pinagdarausan ng mga rally sa Maynila.

Facebook Comments