Pagsisimula ng kampaniya sa local positions, pinaghahandaan na ng COMELEC

Pinaghahandaan na ng Commission on Elections (Comelec) ang nalalapit na kampaniya para sa lokal na posisyon.

Sa pagdalo ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa Meet the Manila Press, sinabi nito na tututukan nila ang nalalapit na pagsisimula ng local campaign lalo na’t ito ang itinutiring nila na mainit na labanan sa pulitika.

Aniya, dito kadalasan nagkakaroon ng mga problema kung saan kahit hindi sapat ang resources ng Comelec, sisikapin pa rin nila na magawa ang trabaho.

Bagama’t nakakapagod, hindi magsasawa ang Comelec na magpadala ng notice o sulat sa mga local candidate na may election offense.

Partikular ang mga nagkakabit o naglalagay ng mga tarpaulin sa hindi designated poster area.

Paliwanag ni Chairman Garcia, kahit papaano ay sumusunod naman ang mga kandidato kung saan nananawagan siya sa mga local candidate na magkusa na sa pagtanggal ng mga poster at pasabihan din ang kanilang mga supporter sa patakaran nito.

Facebook Comments