Pagsisimula ng libreng sakay para sa mga health workers at mga APOR ngayong araw, naging maayos ayon sa LTFRB

26

Naging maayos ang pag-arangkada ngayong araw ng libreng sakay para sa mga healthcare worker at Authorized Persons Outside of their Residence (APOR) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) gamit ang public utility buses sa ruta ng EDSA Busway.

Alinsunod na rin ito sa kauusan ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magbigay ng karagdagang tulong sa healthcare workers at APOR sa gitna ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region Plus bubble.


Para makapag-avail ng libreng sakay, kailangan lamang ipakita ang ID sa pinagtatrabahuang ospital o kompanya.

Tiniyak ng LTFRB na bukas 24 oras at araw-araw ang libreng sakay.

Maliban sa mga free ride ng mga pampasaherong bus, patuloy rin ang mga jeepney sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga APOR sa 50 ruta sa NCR at iba pang karatig na rehiyon.

Facebook Comments