Dinaluhan ng daan-daang mga mananampalataya ng Simbahang Katoliko ang mga simbahan sa pagdaos ng Ash Wednesday, nitong ika-5 ng Marso.
Sa Dagupan City, pinangunahan ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang misa sa St. John the Evangelist Cathedral kung saan sumentro ang sermon ukol sa kahulugan ng pag-aayuno para sa mga Katoliko.
Ani Socrates, ang Ash Wednesday ay paalala ukol sa mortalidad ng tao na bagamat nabubuhay pa ngayon ay kailanlama’y hindi hawak ng isang tao ang kanyang buhay. Ibinahagi rin nito ang mensahe ng repentance o pagsisisi sa pagsasaalang-alang ng mga nagawa, at nagagawang kasalanan.
Aniya, ito ay magandang pagninilay-nilay sa kung saan umano patungo ang direksyon ng buhay. Binigyang diin din nito ang kahalagahan ng pagdarasal kasama ang iba pang mga kapatid sa pananampalataya.
Samantala, ang Ash Wednesday ay hudyat ng pagsisimula ng Lenten Season na bahagi ng paniniwala ng Simbahang Katoliko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨