Pagsuko ng gobyerno kay FPRRD, labag sa batas —Azcuna

Tinukoy ni dating Supreme Court Justice Adolfo Azcuna Jr., na labag ang ginawang pag-surrender o pagsuko ng gobyerno kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Sa pagdinig, sinabi ni Azcuna na batay sa Republic Act 9851 na tumatalima rin sa Rome Statute, dapat na dinala muna sa local court si dating Pangulong Duterte.

Kailangan aniyang malaman ang dalawang mahalagang bagay, una ay para determinahin kung talagang ang taong iyon ang inisyuhan ng warrant of arrest at ikalawa ay kung naipabatid ba sa arrested person ang mga kasong kanyang kinakaharap.


Gayunman, kahit dito sa bansa ay maituturing na paglabag sa “act of surrender” ang ginawa sa dating pangulo, mayroon namang sariling rules at procedures ang ICC na sinusunod

Aniya, extrajudicial rendition ang pagsuko ng gobyerno kay Duterte sa ICC at kailangang resolbahin ng Supreme Court kung valid ito at alinsunod sa Philippine Constitution dahil maaari itong ituring na “abuse of process” na maaaring ungkatin sa pagdinig sa Setyembre ng ICC pretrial chamber.

Sa kabilang banda, legal naman ang pag-aresto at ang inisyung warrant of arrest kay Duterte dahil kahit 2019 pa epektibo ang pagkalas ng Pilipinas sa ICC at may residual obligation ang bansa na tumalima sa international tribunal at may naunang preliminary examination na ang ICC sa reklamo sa dating pangulo.

Facebook Comments