Sunday, June 14, 2026

Pagsunod ng mga retailers sa umiiral na price cap sa imported na bigas, nasa 47.42% na—DA  

Nasa 47.42% na umano ang antas ng pagsunod ng mga retailer sa buong bansa sa implementasyon ng P50 kada kilo na price ceiling para sa imported rice na may 5% broken grains.
 
Isinagawa kamakailan ang sabayang inspeksyon sa iba’t ibang pamilihan sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa upang matiyak ang pagpapatupad ng pagbaba ng presyo ng bigas.
 
Sa ngayon, may kabuuang 36 notices of violation na naipamahagi ng Department of Agriculture.
 
Labinsiyam (19) sa mga ito ay naitala sa Region I (Ilocos Region), walo (8) sa National Capital Region, apat (4) sa Region III (Central Luzon), tatlo (3) sa Negros Island Region, at dalawa (2) sa Region V (Bicol Region).
 
Sa ngayon, mas pinaigting ng DA ang monitoring at enforcement efforts upang matiyak ang pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan kaugnay ng rice price cap at maprotektahan ang mga mamimili laban sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Facebook Comments