Pagsuporta sa Covax Financing Initiative, ipinanawagan ng WHO

Nanawagan ang World Health Organization (WHO) na suportahan ang Covax Financing Initiative dahil sa malaking tsansa nito na maging bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Soumya Swaminathan, Chief Scientist ng WHO, maraming bansa ang sumuporta sa Covax kaya malawak ang tsansa na ito ay magtagumpay.

Magiging accessible rin sa maraming bansa ang bakuna kapag ito ay nagkaroon na.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang halos 80 na bansa ang nagpahayag ng interes na sumali sa Covax na pinangungunahan ng Gavi Vaccine Alliance, WHO at Coalition for Epidemic Preparedness Innovation (CEPI).

Facebook Comments