Pagsusulong ng localized peacetalks tinalakay ni PNP Chief Oscar Albayalde at Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle sa isang pagpupulong

75

Nagusap na sina PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde at Manila Archbishop Antonio Cardinal Tagle para magtulungan sa pagsusulong ng localized peacetalks sa pagitan ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army.

 

Naniniwala ang PNP na kailangang magtulungan ang Church at Security sector para matapos na ang deka-dekada ng problema sa local insurgency sa bansa.


 

Ayon kay Police Major Gen. Benigno Durana Jr, Director ng Directorate for Public and Community relations, suhestyon ni Cardinal Tagle sa ginawang pagpupulong ang pagkakaroon ng Ecumenical Fellowship o pagsasama-sama ng lahat ng ibat ibang religious congregations sa bansa para ipag dasal ang problema sa insurgency.

 

Giit pa ni Albayalde na ang panawagan para sa pagkakaroon ng peacetalks ay dapat nagmumula sa malawak na sektor ng komunidad at hindi lamang effort ng gobyerno.

 

Isinumbong rin ni Albayalde kay Tagle ang ginagawang paghalo ng communist terrorist group sa mga church organization

 

Nagkasundo ang dalawang panig na aktibong  isusulong ang  national government effort na ELCAC o End Local Communist Armed Conflict kasama pa ang ibat ibang sektor.

Facebook Comments

From Advertisers