PAGSUSULONG NG MENTAL HEALTH NG MGA DAGUPENOS, TUTUTUKAN

Asahan na ang mas pinaigting na mga programa ukol sa pagtataguyod ng mental well-being ng mga Dagupenos matapos ang naganap na signing ng Memorandum of Partnership sa pagitan ng LGU Dagupan at ng Philippine Mental Health Association.

Saklaw nito ang pagbibigay ng ilang mga lectures na napapatungkol sa mental health awareness upang matukoy at matugunan ang mga suliranin na may kinalaman sa mental issue ng isang indibidwal.

Ayon sa City Population Office malaking bagay ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa naturang asosasyon upang matulungan ang mga Dagupeños pagdating sa nasabing usapin. Hatid ang mga serbisyong nakapaloob dito sa mga kabataan, mga eskwelahan, maging sa mga mag-asawa at ibabahagi rin sa komunidad.

Samantala, patuloy na inihahanda ang ilan pang mga programa sa ilalim ng pampopulasyon at kaunlaran na inaasahang mapapakinabangan ng mga residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments